

El Filibusterismo
"Upang basahin ang kinabukasan ng isang bayan, kinakailangan buksan muna ang libro ng kanyang nakalipas." -Jose Rizal
TOP 10 NA DESTINASYON SA EL FILIBUSTERISMO
HIGIT PA!









Alamin natin ang mga magagandang lugar na binanggit sa El Filibusterismo!
01
Bayan ng San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.
02
ILOG PASIG AT LA LAGUNA
Ilog kung saan dumaan ang Bapor Tabo na sinakyan ng mga mayayaman at mga may matataas na posisyon sa gobyerno. Ito'y may koneksyon sa La Laguna at naging daanan para sa kalakalan at transportasyon.Nabalitaan naman ni Donya Victorina na dito nakatago ang kanyang asawa kaya sumakay siya sa Bapor Tabo. Tinatawag rin itong "Provincia de La Laguna de Bay".
03
ANLOAGUE
Isang kalye o abenida kung saan karamihang nakatayo ang mga negosyo ng mga Tsino. Dito rin nakatayo ang dating bahay ni Kapitan Tiyago at kung saan ipinalayo ni Simoun si Basilio.
04
SIMBAHAN NG SAN SEBASTIAN (Basilica Menor de San Sebastian)
Ang simbahan na ito ay napakalaki at napakalawak. Ito'y itinayo ni Gustave Eiffel. Dito pinapunta ni Simoun si Basilio para tumanggap ng mga huling utos para sa rebolusyon.
05
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Ang UST ay isang paaralan na pinangugunahan ng mga paring Dominikano. Ito ay nasa Intramuros, Manila. Dito nag-aral sila Placido Penitente, Basilio, Makaraig, Tadeo, Juanito, Sandoval, at iba pa.
06
QUIAPO
Dito ginaganap ang mga perya ng Maynila katulad ng perya na pinuntahan ng mga Kastila at ni Padre Salvi nang makilala si esfeo. Ito ay idinadayo ng parehong mga Pilipino at Kastila.
07
BAHAY NI KAPITAN TIYAGO
Laging bukas ito para sa mga tao lalo na kung may pista at kainan. Dito rin ginanap ang kasal nila Paulita at Juanito sapagkat naging bahay na ito ni Don Pelaez nang mamatay si K. Tiyago.
08
ILOILO
Tinatawag na "Isla ng Imigrante" para sa mga Tsino at Kastila. Ito ay naging isang sentrong komersyal ng Espanya.
09
PANCITERIA MACANISTA DE BUEN GUSTO
Dito nangagkatipon ang mga binatang mag-aaral upang isagawa ang piging na ipinayo ni Padre Irene, alang-alang sa naging maayos ng kinalabasan ng mga usapin ukol sa pagtuturo ng wikang Espanyol.
10
LA PLAZA VIVAC
Ang Plaza Viva ay kasalukuyang Plaza Lorenzo Ruiz na halos katabi lamang ng Panciteria na kinagaganapan noon ng piging ng mga mag-aaral.