top of page

KILALANIN NATIN: 

PADRE FLORENTINO

HIGIT PA!

    Ako ay si Padre Florentino. Ako ay ang kaisa-isahang paring Pilipino at mabuting amahin ni Isagani. Ang dahilan ng aking pagkagawa ng blog na ito ay upang ipagpaalam sa lahat ng tao (lalo na sa mga kabataan) ang aking mga karanasan at kaalaman. Dahil sa mga problemang aking napagdaanan, naniniwala ako na dapat na tayong umaksyon at magbago para sa ikauunlad ng ating bansa.

 

      Iniaalay ko ang  blog na ito kay Simoun, sa mga kabataan at sa lahat ng mga nagmamahal sa kanyang bayan. Oo, marami siyang ginawa na  ikinatampo ko kay Simoun subalit napawi ang laht ng iyon nang makita ko siyang tigmak ng dugo, malungkot at patang-pata sa may pintuan ng aking bahay. Pinapasok ko agad siya sa aking bahay ngunit nung pinahiga ko siya, nagtaka ako dahil siya'y nakatingi pa. 

 

      Nagulat ako nang uminom siya ng lason; nakakalungkot kasi hindi ko man lamang siya napigilan. Kaawa-awa ang kanyang istura nung nakahiga siya sa aking kama. Umamin siya sakin at sinabi niya na siya pala si Ibarra. Nagpanggap siyang ibang tao-isang taong malayong-malayo sa pagkakumbaba, pagkakisig at pagkamasiglahin ni Ibarra. Isinalysay niya sa akin ang lahat ng hinagpis at sakit ng kanyang naranasan sa loob ng 13 taon habang ang puso ko nama'y nadudurog. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang paghihirap na kanyang dinanas.Pinilit kong magpakatatag at kumbinsihing tibayan ang kanyang pananalig sa Diyos.

 

     Ginawa ko ang blog na ito para ipahiwatig sa lahat ng mga susunod na henerasyon ang aralin na ating mapupulot sa buhay ni Simoun.  Inuusig ko kayo magtiwala sa salitang 'pagbabago'. Pahalagahan ninyo ang inyong pag-aaral. Nakapa-importante ng edukasyon upang makamit ang inyong mga pangarap na umunlad ang ating bansa at para lagyan ng kabuluhan ang buhay at sakripisyo ni "Ibarra" at ng ating mga bayani.

 

 

 

 

Mula sa paningin ni Padre Florentino:

    Lubhang di ko maintindihan kung bakit ang paglalahad ng balita ay sadyang ginagamit upang linlangin ang mga tao. Ang aking napapansin sa araw araw ay puro kasinungalingan ang balita na aking nababasa. Ang journalismo ay inabuso na, at hindi ko maintindihan kung ito ay para sa kapakanan ng pamahalaan o ng ilang tao lamang sa likod nito. Bakit nangyayari ito? Nakakasuklam! Aking nakikita ang katotohanan na nakatago sa karaniwang mamamayan. Ngayon na ang panahon upang ito ay baguhin!

 

    Aking nakilala ang isang tao na nagngangalang Ben Zayb, isa siyang 'reporter' na palaging ngsasaliksik ng makabuluhang balita. Subalit ang kaniyang inilalahad ay pawang kasinungalingan na itinatago ang mga tunay na isyu. Sinabi niya sa akin na ang kaniyang balita ay kapanipaniwala, at siya namang totoo. Ngunit kung ikukumpara ko sa aking sariling nalaman, ito ay maraming pagkakaiba, at halatang may itinatago. Hindi ko ito matanggap at sinabi ko ito sa nagpapalakad ng pahayagan kung kaya binawi niya ang mga isinulat ni Ben atdi inilathala. Totoong di kanais nais ang aking karanasan sa mga mapanlokong pamamahayg. Habang isinusulat ko ito ay aking naiisip, kailan kaya matatauhan ang mga tao? Bakit ba natin ginagawa ito bilang mamamahayag? Sinu-sino pa ang mga katulad ni Ben Zayb? Sana ay masaksihan ko pa ang maayos na pamamahayag sa aking buhay ...

 

E-Mail: info@mysite.com

OPINYON:

bottom of page