Maikling kwento: Ang Kapitan Heneral
- alyssaoresca
- Jan 1, 2014
- 1 min read

Ako ay nasa kabilang kalsada na malapit sa pagdiriwang ni Paulita at Juanito at lahat ng nakakasalubong ko ay nagbigay ng papuri sa pagtratrabaho ko bilang isang guardiya sibil, kahit walang gaanong masamang kaganapan.
May isang dalagang lumapit at nagsimulang lumandi sa akin. Maganda siya, ngungit ako ay nasa trabaho para protektahan ang isang kasalan sa anumang problemang maaaring mangyari, at maaaring ako masuspende kung hindi ko magaganapan ng maayos ang aking trabaho. Subalit, sino nga naman makakatiis sa gayong klasing pang-aakit ng babae? Sinundan ko pa rin ang dalaga. Sinabi ko sa kanya na maghintay siya para sa akin, at sumang-ayon siya. Hay, sadyang kaakit-akit talaga ang kanyang mukha. Lumakad ako sa isang bahay kung saan maaari ko pa rin marinig ang tunog ng mga tao sa kasalan. Hindi ko ginawa ang aking trabaho, sa halip uminom ako ng alak na inalok niya sa akin. Maya-maya, narinig ko ang mga sigawan galing sa kasalan. May magnanakaw sa bahay; kinuha niya ang isang lampara. Hinabol ko ang magnanakaw, ngungit ako ay lasing kaya natapilok ako higit sa pinakamaliit na bitak. Nakatakas ang magnanakaw at nasuspende ako.
Comments