top of page

PATAY NA NGA BA SI SIMOUN? SI IBARRA BA AT SI SIMOUN AY IISA?

  • alyssaoresca
  • Jan 1, 2014
  • 1 min read

Natagpuang patay ang isang lalaking alahero na kilala sa tawag na "Simoun" sa bahay ni Padre Florentino. Sinasabing siya ay nagpakamatay at uminom ng lason para hindi siya maabot na buhay ng mga gwardiya sibil. Subalit, hindi lang ito ang nakakabigla. Meron pa: Si Simoun at si Ibarra ay nag-iisa. Nalaman ang dating si Ibarra pala ay buhay at bumalik upang humiganti sa mga Kastila. Iniwan ang kanyang nakalipas, ang lahat ng kanyang masasakit na karanasan at kasawian, at ngayon ay bumalik bilang isang mapangahas, walang-awang alahero na si Simoun. Maraming hinala na siya ang may kapakanan ng lampara na may plano palang sumabog at ang naglagay ng mga pulbura sa paligid ng buong bahay ni Don Timoteo Pelaez nung araw ng kasal ng kanyang anak na si Juanito Pelaez. Ang tanging hangad niya ay rebolusyon, upang ipaghiganti ang kanyang ama, kasintahan, at bayan. Ngunit ang hangad niyang ito ay siya ring dahilan ng kanyang pagkamatay. Nasaan na nga ba ang hustisya?

 
 
 

Comments


HIGIT PA!

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page